Pangarap Ko.

Inasam 
kong kumuha ng litrato
ng magagandang tanawin,


ngunit hindi
 yung ako lang ang nandun.






Ninais
kong maranasan ang kultura
ng ibang mga bansa,


subalit hindi
yung maranasan yun na solo lang.

Pinangarap 

kong sumakay ng eroplano 
at barko
para libutin ang buong mundo,


pero hindi
yung gagawin iyon na nag-iisa.




Ang tanging inaasam, ninanais at pinapangarap ko ngayon?

Maipakilala ka na Niya sa akin. 

You may also like

2 Comments

Leave a Reply